I am Julienne Anjeli from Baguio City. If I write about you, you're probably important or I hate you so much. 20 years of life. Love love! Give me

true love? true love my ass

if i write about you, you’re probably special or i hate you so much

Thursday, 3 July 2014

Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong una palang kitang makita, nag thump-thump na ang puso ko para sayo? Kung hindi, tutal mahilig ka naman sa computers, gumawa ka ng program na pwedeng magpabalik ng panahon. I-replay natin yung moment. Slow motion para masmaganda. Kaya lang sabi ni Melvin imposible daw makagawa ng time machine. Sabi ko kasi sa kanya igawan niya ako non ililibre ko sya ng empanada. Pero totoo yun. Hindi naman ako malihim. Sinabi ko naman agad na pogi ka.

As far as I can remember, you we’re sitting next to me with earphones on, on your black t-shirt, spotting girls walking in front of us (“us” kasi nga katabi mo ako that time) as you constantly say, “chix ni!” Natatawa ako while listening to your conversations.

So I went home with your external drive. Ayaw kitang itext sa totoo lang kasi katulad ng hindi mo pagkahilig sa phone, ganun din ako hindi kahilig sa pagtetext ng walang valid reason. But I texted you anyway kasi I wanted to start a conversation with you at hindi mo lang alam kung gaano ko pinaniwala ang sarili ko na valid reason yung pagtetext ko sayo just to pick up myself kasi hindi ka nga nagreply.

Pero in an instant, after talking for quiet sometime, figuring out what “i square you” means, and really wondering every night how are you doing, I just found myself answering “i love you too!” Believe me, hindi ako fan ng agad agarang love affair until I met you. Posible pala talaga yun.

Sayang nga e. Sana nakilala kita ahead of time, nung nga panahong hindi pa uso ang thesis, computer games, viber, candy crush, wechat, facebook, twitter, tumblr, or kahit cellphone man lang. Yung mga panahong hindi pa uso ang chix (chix vey? Haha) at ako lang ang uso. Could have been better noh? Pero hindi because we are born in this new generation kung saan ang magiging mundo mo pagdating ng panahon ay mga computers at ako naman ay mga may sakit sa hospital.

Pero wag ka kasi its still magical, kung naniniwala ka man sa magic. From strangers to (what are we again?) And from a simple “good night God bless us” to a “good night. I love you 1,2,3,4,5!) Still, hindi ako fan ng agarang love affair. Pero if ever we won’t last, hindi na ako uulit. Gusto ko ikaw na ang last na agarang love affair ko.. Kasi special ka at kahit ilang lalaki pa man ang makikilala ko pagdating ng panahon, I know deep with in my heart that once in my life I came to meet someone as special as you. Yun bang a person you can’t go a day without talking to? Yung laging laman ng isip mo kahit naghuhugas ka ng pinggan, or nagluluto ka, or naglalaro ng android apps, or nasa social network, basta nasa isip mo siya.. in my life, for the first time i felt it with someone. It just so happen that that first time is now and that someone is you.

Hindi ako nagsusulat ng ganito para makabawi sayo a! Hindi kasi talaga ako makatulog and I cannot even divert my attention to anything maliban sa bigat sa damdamin na nag-away tayo kanina at sinabi mong wala tayong patutunguhan. Don’t get me wrong ha? I love you and you know that. Pero sana kapag pagod ka na, wag kang maghesitate na magpaalam or sabihin sa akin. Or kung magbago man ang ihip ng hangin and you find yourself happy with Jap (close kami haha) again, let me know. Love is not just abt holding on but sometimes, its also abt letting go. Pero i hope it won’t happen. Kasi alam mo sa totoo lang, while reading your conversations, nalulungkot ako. Naiinis at the same time pero hindi ko masabi na nagseselos ako. Hindi ko masabi na masama ang loob ko kasi hiniling mo sa akin na wag kitang pigilang makipag kaibigan sa kanya, na wag kitang pigilang makipag chat sa kanya and I said “yes” kasi yun ang gusto mo at alam ko dun ka masaya. Tsaka hindi naman siya threat for me kung ikaw lang din ang basehan kasi sa akin ka naman naggu-“good night i love you” at hindi naman sa kanya..

I love you and I want to tell that to you everyday.. Araw araw hanggang makalimutan mo yung sakit na naidulot niya sayo.. Hanggang sa kaya mo nang magmahal ng buo ulit at hindi ka na matatakot na baka saktan ka lang ulit ng taong mamahalin mo. Gusto kong pawiin lahat ng sakit sa puso mo. Pero hindi ko kasi magawa. :( hindi ko kasi kaya. :(

Good morning mahal ko. Ayan para sa mga umagang baka makakalimutan kitang batiin.

Kumain ka na ha? Mahal kita. Ayan para sa mga meals na makakalimutan kong iremind sayo.

Pagaling ka. Hindi ko kasi kayang alam ko na may masakit sayo. Ayan para sa mga panahong magkakasakit ka at makakalimutan kong ipapalala sayong may reason para mabuhay.

Wag kang magpupuyat. Good night. I love you. Ayan para sa mga gabing makakalimutan kong mag-good night sayo.

May picture ka naman sa akin so sa tuwing ma-mimiss kita, pipikit lang ako at irerecall ko kung gaano ka-round and black ang mga mata mo at maaalala na kita.. ๐Ÿ˜ƒ

Habang sinusulat ko to at naglalabas ako ng saloobin, at habang malapit ko nang matapos, feeling ko hindi na kita mahal or nabaliw lang ako at bukas panigurado magaling na ako pero i doubt. Alam ko bukas paggising ko ikaw na naman ang una kong iisipin at maghapon na naman yan hanggang sa makausap ulit kita at sabihin mong, “Ang korny nung sulat mo!” at syempre matatawa nalang ako sayo.

Pero hindi. Mahal kita e. :)
Good night Mr. Cabildo.
I square you (kblah whatever that means!) I love you. Good night! :)

Saturday, 21 June 2014
Monday, 16 June 2014
life is a journey ๐Ÿ˜œ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜Š

life is a journey ๐Ÿ˜œ๐Ÿ˜†๐Ÿ˜Š

Sunday, 15 June 2014
Anonymous:
wow hipon!

Ganyan talaga kapag hindi ka masaya sa sarili mong itsura, maghahanap k ang pwede mong ilait sa iba. Hahahahaha.

It would be a privilege to have my heart broken by you. #thefaultinourstars #augustuswaters

It would be a privilege to have my heart broken by you. #thefaultinourstars #augustuswaters

Saturday, 14 June 2014
You talking in a meeting or conference or whatever. You in your office uniform carrying a styro of fishes from your work place, or you in your pambahay cooking breakfast, lunch, and dinner. Or us in your motor cycle going to my school, or us talking on phone when i no longer have any money, and us like 16 years ago doing bed time stories even if you’re tired from work. I may not have all the best luxuries in this world, but I’m sure I have the best dad any anak could ever ask for. I love you Daddy. :)

Happy father’s day sa lahat ng magiting na tatay kagaya ng tatay ko! <3 :) :*

You talking in a meeting or conference or whatever. You in your office uniform carrying a styro of fishes from your work place, or you in your pambahay cooking breakfast, lunch, and dinner. Or us in your motor cycle going to my school, or us talking on phone when i no longer have any money, and us like 16 years ago doing bed time stories even if you’re tired from work. I may not have all the best luxuries in this world, but I’m sure I have the best dad any anak could ever ask for. I love you Daddy. :)

Happy father’s day sa lahat ng magiting na tatay kagaya ng tatay ko! <3 :) :*

Friday, 13 June 2014

Dreams do not come true when you just sit there, watch tv, and wait for the food to be served. Work you ass out.

Tuesday, 10 June 2014

Dear Sir, :)

Magandang araw/gabi sayo habang naghahanda kang basahin itong sulat ko para sayo at hindi ko man mapukaw ang lungkot sa puso mo, sana nakadulot naman ako ng kahit konting kasiyahan at mapangiti kita kahit papano. I am ot really good in expressing deep thoughts as ย myself is also having a hard time understanding itself pero gusto ko lang maglabas ng good things for you.

Nasabi ko na yata to pero uulitin ko nalang ulit, masaya akong nakilala kita kahit sa internet at chat lang tayo nag-uusap at never nating narinig ang boses ng isa’t isa. Masaya ako na may nakilala akong isang kagaya mong hindi lang mabait, matalino pa at kung genes ang usapan, ay nako! Utang na loob, ipagkalat mo ang lahi mo kasi sobrang kailangan ng mundo ang mga kasing galing mo. Kung sana naka one fourth man lang ako.. :) haha.

Salamat ha? Sa lahat ng tulong mo lalo na nung panahong kinakapa ko pa ang mga elements na yan at sobrang hindi ko alam kung paano ko aaralin ang periodic table. You challenged me well enough and motivated me to do all the best that I can even in your simplest way of just saying, “Wag kang magsawa maam because carbon based lahat ng gamot.”

Sorry kung nagalit kita minsan, (Sana minsan lang talaga!) Hindi ko naman sinadya. And I guess because of that, kamalditahan ko and all is lumayo ka na din sa akin, thinking maybe na hindi ang klase ko ang nakakapagpadown sayo which is true naaman. For that, I am very sorry..

Kumusta na pala ag work mo? Yung thesis mo? Alam na alam ko naman na yakang yaka mo lahat yan kasi nga di ba? You’re blessed. :)

We dont talk that ofte anymore, sa totoo lang? Miss na kita.ย 

Pero as you said before, may mga bagay na nakakabuti kahit masakit and one of those things is to be far away from people who are not meat to stay in your life and isa ako sa mga taong yun para sayo pero wag ka, masaya pa din kong nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko.

Sana mabasa mo to at i-assume mong ikaw nga ang tiutukoy ko kasi ikaw lang naman ang nag-iisang description a to sa mundo ko.

Salamat Sir. Mahal kita. :)

Hindi madali ang pag-abot sa pangarap.

Wala pa akong nararating at sa totoo lang, hindi ko pa halos nauumpisahan ang pangarap ko pero yung thought pa lang na enrolled na ako is sobrang happy ko na. Imagine? From nothing to something palang yan ah, nakailang hopeless feelings din ako and all at napakabait lang talaga ni Lord na hindi niya ako pinapabayaan at sinasamahan niya ako sa lahat ng bagay. Naalala ko at hindi na matatanggal sa isipan ko yung lagi kong binabanggit sa kanya, “Lord, gawin mo akong doktor mo.” And true indeed, sinasamahan niya ako.

Noong nagrereview palang ako for NMAT (bc strict na lahat ng med school), I remember, sobrang sakit na ng likod ko noon kakaaral ng chemical formula and physics problems is naupo ako at naiyak sa situation kasi it was already 3am at gising pa ako knowing na ang pasok ko the next day is 7:30. So ayun, i faced the picture of Jesus sa harap ko at titig na titig lang ako sa kanya tapos umiyak na ako asking him na tulungan ako sa pangarap ko at gawin akong doktor niya kasi gusto ko talaga yun at nang makatulong ako sa mga tao niya.

Hindi niya ako pinabayaan, kahit ilang beses ako nireject at parang hopeless case na (dami ko pag baayarin :( ) is standing pa din ako at siguradong papasok na sa med school.

Thank you Lord. Sobra.

Let me share this whole new world with you.. :)

Let me share this whole new world with you.. :)

Saturday, 7 June 2014

After finishing my degree in Psychology, I am game for another challenge. Welcome to the new chapter of my life, finally, DOCTOR OF MEDICINE in the making. :)

Simula nung nagtampo ako sa isa sa mga magaling na blogger dito (magaling in the sense na matalino siya is nawalan na din ako ng ganang magsulat at itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagbabakasyon/pag-aaral at pagpopost ng mga sexy pictures kasi naiimbyerna a ako sa katawan kong hindi maawat sa pagtaba.

Sana bukas mainspire na ako ulit at makapagsulat na ulit ng madami :(

 
Next page